Pam. 21. A frustrated photographer who likes to eat and posts random thoughts on her virtual diary.

SAGUIJO; Admit One 10th Anniversary & Farewell Gig

Last Nov. 16, 2011, pumunta kami ng Saguijo. It’s Admit One’s 10th Anniversary and we’re lucky to be there kasi farewell gig na rin nila yun. Madaming banda yung kasama sa Admit One, kasama na dito yung Urbandub na di namin naabutan. I felt sad. Kasi sila talaga yung pinunta ko dun. Pagdating namin, saktong kakatapos lang nila tumugtog. :(

Pagkatapos ng Urbandub, Imago naman. After a year, nakita ko rin sila ulit. Last na kita ko sa Imagonung birthday ni wam, yung babaeng may tattoo sa taas. Ininvite niya yung Imago sa debut niya para tumugtog. Favorite band kasi namin talaga yan, lalo na kaming dalawa. Part na ng buhay namin ang Imago. Mas gumanda si Aia. Tapos nung kinanta na niya yung Sundo, medyo nalungkot ako. Namiss ko kasi si Babs. Lagi ko kasing kinakanta sakanya yun pag nakahiga kami. Kamiss! 

Pangatlong banda na tumugtog, sandwich. Pero were not able to watch them kasi lumabas kami dahil sobrang crowded at init. Pang apat, yung Chicosci. OHMYGOD MONG ALCARAZ!!!! Sobrang crush ko siya highschool pa lang ako! Pero di ako fan ng Chicosci talaga. Nakakatawa nga kasi nung tumugtog na sila, straight face lang ako. Kinailangan ko ng ng tissue sa tenga kasi nagdudugo na siya sa sobrang ingay. HEHEHE PEACE TAYO MGA CHICOSCI FANS! Ang nakakainis pa dito, nung nag iintro na si Zach sa Chicosci, may fan girl na lumapit at gusto i-kiss si Miggy (vocalist ng Chicosci).Tapos nung sinabi niya, "Oh sino naman gusto kay Mong?" Sumigaw ako at tinaas kamay, "AKO!!!!" Pero nung tumingin sila sa pagsigaw ko, bigla akong nagtago at nahiya. Tapos nagtaas ng kamay si WAM. Lucky bastard, kiniss siya ni MONG. GAAAAAAAH. -_____-

After ng Chicosci, tumugto na yung Pedicab. Crush ko din yun si Diego Mapa. Ang fresh niya kasi tignan, parang kahit pinagpapawisan ang bango pa din. After nila, tumugtog naman Cambio. 

After ng Cambio, Si Ebe Dancel naman! Woooo! Favorite band ko din talaga kasi Sugarfree. Di lang sila banda na makagawa lang ng ingay eh ayos na. Magaganda talaga songs nila at tagos sa puso. Too bad, disbanded na sila. :( Pero hello, andiyan pa din si Ebe. Nasa dugo na niya rin kasi ang pagtugtog. Nakanta talaga ako, at sobrang nakikijam kasi si EBE yun. Nung last song na nga, sabi niya, "Anong gusto niyong song?" Naghehesitate pa ko sumigaw kasi baka ako lang may gusto ng kanta na yun kasi sobrang luma na, pero nung sumigaw na ko, nagulat ako kasi yun din pala gusto ng lahat. "BURNOUT! BURNOUT! BURNOUT!" Tapos tinugtog na nila! AAAAAAH! Sobrang kumanta talaga ako up to the point na naubo na ko kakasigaw. Haha! Sobrang saya lang. :) 

(Source: kapeatpamdesal)

Posted 2 years ago with 16 notes
 #saguijo  #admit one  #cambio  #imago  #ebe dancel  #chicosci  #mong alcaraz  #pedicab  #sugarfree
  1. kapeatpamdesal posted this